Ang ALAMAT ng Pagiging Sinungaling

Sunday, July 26, 2009

Ito ang tunay na alamat kung bakit nagsisinungaling ang mga lalaki, na sinimulan ang kauna-unahang guwapo sa balat ng mundo.. At ito ang tunay na kuwento.
Si Mukaso ay isang Karpintero tao pa lamang siya noon, he he he e. At isang araw ay gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Kasalukuyang pumupukpok at sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at biglang lumitaw ang kanyang guardian devil ehe! angel pala.
sabi ng anghel sa kanya,

"Tutulungan kita Mukaso"

Sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na gintong martilyo,
"Ito ba ang martilyo mo?"...

"Hindi po."

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me Pilak na Martilyo,
"Ito ba?"

"Hindi po."

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me dalang ordinaryong martilyo,
"Ito ba?"

"Opo!"

Natuwa ang anghel.

"Dahil isa kang tapat na aso..este! tao pala, bukod sa martilyo, sa 'yo na rin ang ginto at pilak na Matilyo!"
Makaraan ang ilang araw, ay naglalakad si Mukaso sa ilog at kasama ang aswang este! Asawang gurang. may katangahan itong si mukaso kaya natabig nya ang asawa at nalaglag sa ilog. hagulgol sa Iyak itong si Mukaso.

At muling lumitaw ang anghel.

"Tutulungan kita."

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw, kasama si ARA MINA

"Ito ba ang misis mo?"

Sumagot si Mukaso. "Opo!".......... Nagalit ang anghel, "Sinungaling ka....... Akala ko pa naman eh mabait ka."
Agad naka-isip ng rason si Mukaso. "Patawarin nyo po ako, anghel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si KATRINA HALILI

At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na asawa ko na ang kasama mo.
At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo na rin sa akin sina ARA MINA at KATRINA HALILI.
Mahirap lamang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'OPO' na lang ang sinagot ko nung una."


MORAL OF THE STORY:

Kaya lang naman nagsisinungalin ang mga lalaki eh for a good and noble reason.
kung kaya maraming na denggoy si hayden kho na mga babae ng dahil na rin sa kasinungalingan.

0 comments:

Post a Comment